
Ang Lata ng Salaginto ay isang paglalakbay sa pagkabata. Ipinapakita ni Eugene Y. Evasco ang yaman, talino, at talinghaga ng pagkabata. Sa aklat, inihahandog ang tula bilang kanlungan ng hiwaga at haraya. Ipinakikilala nito sa mga bata ang maraming paraan ng pagbáka sa mga takot: takot sa tula, sa mga nagaganap sa mundo, at sa mga personal na danas. Ginamit ng makata ang sariling karanasan bilang batang uhaw sa mga tula upang tugunan ang pangangailangan sa tula at pag-asa ng mga bata sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon. Tunay ngang masasabing si Evasco ay isa sa mga pangunahing manunulat ng panitikang pambata sa Pilipinas ngayon, dahil sa palagi niyang pagharap sa hamong hubugin at banggain ang porma, estetika, at nilalaman ng mga sulatin para sa mga bata. Sa aklat na ito, maglalakbay ang batang mambabasa, at matutunton niya ang isang bukas na kumikilala sa kaniyang kapangyarihan.
============================================================================================================================
The Can of Salaginto is a journey through childhood. Eugene Y. Evasco reveals the richness, wisdom, and parables of childhood. In the book, poetry is presented as a refuge from mystery and chaos. It introduces children to many ways of fighting fears: fear of poetry, of what is happening in the world, and of personal experiences. The poet used his own experience as a child thirsty for poetry to meet the need for poetry and hope of children in the present and future generations. It can truly be said that Evasco is one of the leading writers of children's literature in the Philippines today, because of his constant challenge to shape and challenge the form, aesthetics, and content of writings for children. In this book, the young reader will travel, and he will discover an open mind that recognizes his power.